Advertisers

Advertisers

Direk Paul Soriano Kayang Pagsabayin Ang Pagdidirek At Posisyon Sa Gobyerno, Wife Na Si Toni Gonzaga Puring-Puri

0 374

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

IKINATUWA ng entertainment press kabilang ang inyong columnist, ang muling pagharap ni Direk Paul Soriano sa media after 2 and a half years of Pandemic.
Ngayon ay hindi na lang director si Paul, siya ay may posisyon na rin sa gobyerno bilang Presidential Adviser on Creative Communications. At itinuturing ni Direk Paul na big challenge ito sa kanya lalo’t ipinagkatiwala ito ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Bagaman walang pondo ang kanyang opisina ay makatutulong si Direk Paul sa ilang government agencies para ma-ipromote ang mga ito. At marami na raw siyang kausap na kanyang mga susuportahan.
Yes, kayang pagsabayin ni Paul ang pagdidirek at position nito sa PBBM government. Sa katunayan, siya ang director at co-producer ng pelikula ng misis na si Toni Gonzaga at Joey de Leon na “MY TEACHER” na kabilang sa 8 official entries sa Metro Manila Film Festival.
Malaking achievement for Direk Paul ang makatrabaho sa pelikula ang icon na tulad ni Tito Joey. At masaya silang lahat at nakapasok ito sa 48th Metro Manila Film Festival, “When we got into MMFF. So parang you felt na this project is a big blessing because we always feel na kung aligned lahat, parang walang problema.”
Si Toni raw ang kumausap kay Tito Joey na kung pwede silang magsama sa My Teacher, na si Paul nga ang director. “Of course that’s our next challenge because we had to approach him, di ba? And it’s been a while since we’ve talked to him.
“But you know, what I can say about Joey de Leon is, once we’ve pitched to him the project, ang sabi niya, ‘Anything for you, Toni. Ang lakas ka sa akin,” exact words ni Joey.
“And of course, to hear that from a very respectable icon in our industry, we were very honored.”
Si Toni raw ang nagsulat ng kwento ng My Teacher na very inspiring drama movie ayon pa kay Direk Paul. At teacher ang character ni Toni sa movie at estudyante niya ang senior na si Joey. Aside kina Toni and Joey ay join din sa cast sina Carmi Martin, Rufa Mae Quinto, Kakai Bautista, Kych Minemoto, Jackie Lou Blanco, Pauline Mendoza at ang loveteam at magsyotang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Samantala, puring-puri pala ni Direk Paul kung paano i-handle ni Toni ang mga basher and trolls. Well, for him ang wife raw niya ang most powerful celebrity at strong woman ito. Hindi raw nito pinapansin ang bashing at cancel sa kanya at tuloy ang pagta-trabaho nito sa kanyang talk show na “Toni” sa ALLTV Channel 2 at Vlog na “Toni Talks.”
Narito pala ang ilan pa sa mga nakalinyang pelikula ni Direk Paul para sa TEN 17P at TINCAN this 2023, The Fisher directed by Paul Soriano, Single Bells stars Alex Gonzaga and Angeline Quinto na ididirek ni Fifth Solomon at si Fifth din ang director ng 3 WORDS, Friendly Fire ni Direk Mikhail Red at Outside under the direction of Carlo Ledesma. Sa Winford Manila Hotel and Casino pala ginanap ang said presscon ni Presidential Adviser on Creative Communications Direk Paul Soriano.
***
WOW SARAP TVC Nina Mommy Pinty Daddy Bonoy At Alex Kinagigiliwan At Umaani Ng Libu-Libong Likes
Last year ay ang mag-Mommy na sina Alex Gonzaga at Mommy Pinty ang magkasama sa sikat na Wow Sarap TV commercial ng Silver Swan. Ngayon bago magtapos ang 2022 ay isinama na sa nasabing TVC campaign Ad ng Wow Sarap ang kilala na ring Blogger ng mga ka-maintenance na si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga na former Vice Mayor ng Taytay, Rizal.
Ang ganda at the best ng konsepto ng commercial na gumaganap ngang Fairy Godmother si Mommy Pinty ni Alex na may hawak na sikreto ng masarap na Sulit all-in-one seasoning na Wow Sarap at si Gennie Bonoy naman ang character dito ni Daddy Carlito.
Ang gandang pagmasdan ng tatlo sa commercial na ito na may family value. Tumaas ang sales ng Wow Sarap nang sina Alex at Mommy Pinty ang kinuhang endorsers, ngayon my Gennie Bonoy pa.
***
Jc Garcia At Security Public Storage Fulfillment Ang Makapagpasaya Ng Mga Bata Tuwing Pasko
ILANG years na ang charity work ni Jc Garcia at ng pinamamahalaang Security Public Storage sa California, Hollywood na lumikom ng toys for kids na tinawag nilang “TOYS FOR TOTS,” na kanilang ipinamamahagi sa mga bata tuwing Pasko.
At sa rami ng mga kaibigan ni Jc ay halos mapuno na ang opisina sa rami ng natatanggap na toy donations araw-araw at yung iba mga bagong bili pa talaga. This year, nasa more than 10 big boxes ang maipamimigay nila Jc.
Iba raw yung feeling na makapagpasaya ng mga bata, “Totoo ‘yan Kuya Peter (tawag ni Jc sa inyong columnist) at masaya ako at every year ay hindi ako binibigo ng friends ko na i-share yung mga used toys ng kanilang mga anak. Fulfillment sa akin and I’m happy na makapagpasaya ng kids sa mga gift naming toys sa kanila,” ani pa ni Jc.
***
Direk Reyno Oposa, Naka-Aadmire Ang Sobrang Kasipagan Sa Canada
ANG kasalukuyang trabaho sa Ontario City, Canada ay ipinagmamalaki ni Direk Reyno Oposa. Very hardworking si Direk Reyno na tumatanggap ng part time job sa nasabing bansa kung saan matagal na siyang based.
Gusto ni Direk na kapag nag-retire na siya ay dito na sa Pinas tumira at mag-negosyo na lang sa Surigao City, kung saan may malawak siyang lupain na pamana ng kanyang mother.
Siyempre, patuloy rin siya sa pagpo-produce ng pelikula sa kanyang independent film outfit na Reyno Film Productions. Mapabibilib ka talaga kay Direk na maliban sa pagdidirek ng matino at dekalidad na mga pelikula ay todo kayod pa sa Canada.
Support natin ang Official Youtube Channel ni Direk na Reyno Oposa na Road to 20K subscribers na. At ang bilang ng views ay hundred of thousands and millions.