Advertisers

Advertisers

‘MAHA LINGGA’

0 216

Advertisers

KAPAG nabasa ko ang katagang MAHARLIKA, nakakaramdam ako ng alinlangan. Lalo na kapag ang mga susunod na mga salita ay INVESTMENT at FUND. Hindi kaila sa mga giliw kong mambabasa na may dalang kilabot at pangangamba ang tatlong salita kapag pinagsama. Himayin natin ang Maharlika Investment Fund: Ito ay isang sovereign wealth fund. Pondong itatayo ng gobyerno ng Pilipinas upang gamitin para mamuhunan sa stock market, bonds, real estate, ginto at ibang uri ng mamahaling metal, atbp, saan mang dako ng mundo. Alamin ang kahulugan ng “sovereign wealth.” Sa Tagalog ito ay kayaman ng soberanya o ang pambansang kayamanan. Ito ay pera na “surplus” o naiwan pagkatapos awasin ang ginamit sa pambayad-utang, budget ng bawat sangay ng gobyerno, atbp. Samakatuwid ito ang naipon matapos ang nabanggit ko. Samakatuwid sobrang perang natira.

Karaniwan na ginagawa ito ng mga bansang may malaking surplus sa pera kagaya ng Australia, Saudi Arabia, Brasil, at Denmark dahil ang mga nabanggit ko kumikita sa pagmimina ng metal at langis. Namumuhunan sila sa kanilang “sovereign wealth” upang magamit ang naipon at mapalago ang kanilang pondo upang magamit para sa kaginhawaan ng kanilang mamamayan. Mahigpit ang pamamahala ng “sovereign investment funds” sa mga nabanggit na bansa na pinamamahalaan ng mga tanyag na awtoridad sa larangan ng pamumuhunan. Subalit ayon sa obserbasyon, nagkaroon tayo ng kakulangan sa pondo mula noong 2017. Sa ipinanukalang Maharlika Investment Fund, manggagaling ang pondo mula sa Government Service Insurance System (GSIS) na kinakaltasan ng P125 billion; Social Security System (SSS), P50 billion; Land Bank of the Philippines (LBP), P50 billion; at Development Bank of the Philippines (DBP), P25 billion. Base sa rekomendasyon ng kalihim ng pananalapi, nakatakda magbigay ng kontribusyon ang national government.” Maglalaan ng 50% taunang dibidendo o “annual dividends” ang Bangko Sentral ng Pilipinas at 10% mula sa Philippine Amusement ang Gaming Corporation (Pagcor).

Iminumungkahi ang Maharlika Investment Fund sa ilalim ng House Bill No. 6398 ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez; Majority Floor Leader Manuel Jose Dalipe; Rep. Sandro Marcos; Stella Quimbo; Yedda Marie Romualdez at Jun Acidre. Ayon sa HB 6398, magtatalaga ng siyam katao bilang board member ang Maharlika Investment Fund at Chairman at CEO ay si BBM. Ayon kay Joey Salceda: “Marami namang safeguards ang ilagay para magamit ng mabuti at hindi inaabuso yung MIF. Isa na dyan yung paglalagay bilang Chairman at CEO kay Presidente…” Segundo si GMA: “The success of any fund, sovereign or private, lies in the quality of its management. In the current vision of the Maharlika Wealth Fund, the President chairs its governing board. This is a powerful statement that the highest official of the land will hold himself as ultimately accountable to the Filipino people for the performance of the fund…”



Pakinggan ang sapantaha ng ilan sa mga tutol. Nagtanong ang dating sugo at kaututang-dila sa lambat Sahid Sinsuat Glang kung ano nangyari sa Coconut Levy Fund na dapat sa kapakanan ng magsasaka ng niyog na sa halip, kinurakot at ginatasan ng mga nakaupong pulitiko? Isa ang Malampaya Fund na para sa development ng gas field project sa Palawan. Kinurakot at ginatasan ng mga pulitiko. Tingin ni Sahid, ang Maharlika Wealth Fund na para pagpapalago ng ekonomiya ay kukurakutin at gatasan ng mga pulitiko. Ibinigay na halimbawa ni Howard Calleja ang 1 Malaysia Development Berhad o 1MDB investment fund na isa sa pinakamalaking eskandalo sa pananalapi sa buong mundo, kung saan nakulong at nahatulan makulong ang dating Punong Ministro ng Malaysia si Najib Razak.

Ayon kay Raoul Manuel ng Kabataan Party List: “Ayaw taasan ang sahod ng government employees at public school teachers pati pensyon ng retirees pero may P250 bilyon para sa Maharlika Wealth Fund? Ayaw tanggalin ang VAT sa langis, pangunahing mga bilihin at utilities kasi malulugi umano ang gobyerno, pero may sobra pala na gagamitin para sa Maharlika Wealth Fund? The economic managers are no longer making sense in this administration” Ani Stella Quimbo, ang Maharlika Fund ay magkakaroon ng tinatawag na “sovereign guarantee.” Sino ang mga guarantors? Lahat ng naghuhulog sa GSIS at SSS (mabuti hindi matutuloy), mga nag deposit sa Land Bank at DBP, Pagcor, BSP. Sa maikling salita, pensioners, depositors, mga manggagawa. Isa pang hindi naipaliwanag: ang pagkakaroon ng 10% na kaltas kada taon mula sa mga OFW at BPOs. Por diez porsyento, ginawang gatasan pati mga OFW at call centers agents. Nangangahulugan gigisahin tayo sa sariling mantika. Nakalilito na sila ano?



Bukod kay Quimbo na sumasang-ayon sa budol na ito, si Jinggoy Estrada, ang dating nakulong na anak ng dating pangulo Erap ay kontra sa panukala. Ang nakakagulantang ay ang mismong kapatid ng pangulo si Imee Marcos ay nagsabi ng pagtutol sa HB 6398. Ani Babs: “To be fair, hindi ko pa binabasa ‘yung bill, pero ako’y kinakabahan sapagkat sa panahong ito, ang sama ng ekonomiya. Pati ang World Bank, ang sabi bagsak na bagsak sa susunod na taon sa 2023. Sa kalagitnaan, lalala pa raw… Diyos ko, paano tayo pagkatapos? Alam natin na lumolobo ang utang ng Pilipinas, samantalang malaki pa rin ang utang natin sa health workers, ‘di pa bayad. Senior citizens, kulang-kulang pa rin ang stipend. Eh, ang laki ng utang natin panlabas pagkatapos magbibigay pa tayo ng tinatawag na “sovereign fund?”

Style mo ‘sing bulok ng bangkay ng tatay mo. Para maliwanagan ka Babs, ang Sovereign Fund ang kukuhanan. At para sa kaalaman ni Madame Stella, hindi ang sinang-ayunan mo. Bukod sa technical malversation ito, para bagang gusto niyo ipabilin ang susi ng manukan sa mga bayawak. Kung pagnilayan ang sinabi ni Rowena Guanzon, hindi ko na iisipin na bukod sa boba ka, tumatambling ka para magmukhang “concerned” ka, at nilalaro ninyo ang taongbayan. Ani Guanzon: “Contributions natin sa SSS at GSIS gagawing puhunan sa Maharlika Fund? Bakit hindi nila gawing puhunan ang real estate tax utang nila na P203 billion?” Sa tulad ni Babs, pagkakataon ito na makapagdambong, matapos ang pagdambong ni Rodrigo Duterte at mga kasapakat. Kaya halatang-halata ang “good-cop-bad-cop” style mo. Hindi ako magtataka.



Sa kanila, bukod sa paghihiganti sa pagpapalayas sa kanila noong EDSA UNO. tutuldukan ko sa pamamagitan ng mga salitang galing kay Antonio Carpio: “The SSS and GSIS funds are personal contributions of their respective members, who own the funds. Even the employers’ contributions, in effect, form part of the compensation of the employees. Thus, the income of the SSS and GSIS investible funds must benefit only their respective members. The income of the Maharlika Sovereign Wealth Fund is for the benefit of all Filipinos, including non-SSS and non-GSIS members. The law cannot give the income from SSS and GSIS funds to non-members, who did not contribute to the funds. This is taking of private property for a public purpose without just compensation, which is unconstitutional…”

Dahil sa “pushback” ng mga mamamayan tulad ni Carpio, hindi na pakikialaman ang SSS at GSIS. Nawa’y magising tayong lahat, lalo na kayo mga makasariling mambabatas. Salamat sa Diyos, dahil sa pukpok ng madla, tila natauhan ang mga tumutulak ng Maharlika Sovereign Wealth Fund. Kaya hindi na gagalawin ang pondo ng GSIS at SSS. Alam nila may hulog sila kung itutuloy nila ito. Nawa’y gampanan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa mamamayan at hindi para sa iilan para sa kapakanan ng Bayan. Bago ako magwakas, ang salitang “MAHARLIKA” ay halaw sa dalawang salitang Sanskrit, ang “maha” na ibig sabihin malaki, at ang “lingga” o ari ng lalaki. Kaya masasabi natin ang may pakana ng MWF ay puro “etits” at walang utak. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “MAHARLIKA INVESTMENT FUND. Just by the name alone given to it, is enough reason for anybody to doubt the real intentions behind it…” – Leonor Bustamante-Cinco

“The Kadiwa Program is meant to distract people from the Maharlika Fund. Making basic goods ‘affordable’ for the holidays as they try to get their greedy hands on the people’s money that amounts to billions… Kung willing naman kayo magpauto e di go…” – Nuelle Duterte

“Ang mandatory toothbrush drill ay isa sa komponents na gusto namin na parte ng ating National Culture For Peace… Doon tayo magsisimula sa ating mga kindergarten children kung ano yung pagsunod sa drills and pagsunod sa utos by learning how to properly brush their teeth…” -Sara Duterte

Wika-alamin: Siho- Tawag sa isang lambat na may tangkay na kadalasan ginagamit pang huli sa isdang nabingwit.

***

mackoyv@gmail.com