Advertisers

Advertisers

Kiray nag-post ng saloobin nang mamatay si Jovit

0 180

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pamamagitan ng kanyang Facebook account, naglabas ng saloobin si Kiray Celis nang malaman ang naging dahilan ng biglaang pagpanaw ng singer na si Jovit Baldivino.
Ayon sa resulta ng isinagawang CT scan kay Jovit, nagkaroon ng blood clot, o bara sa kanyang utak, o ang tinatawag na brain aneurysm. Ilang araw din umanong na-comatose ang singer.
Batay sa ulat, sa kabila ng kanyang karamdaman, um-attend pa rin si Jovit sa isang Christmas party at nag-perform.
Tila binalewala rin umano ng singer ang payo sa kanya ng doktor na magpahinga muna dahil ayaw niyang mapahiya sa mga nag-imbita sa kanya.
Todo perform pa rin si Jovit kahit may iniindang karamdaman hanggang sa nag-request pa nga ang audience sa dinaluhang party.
Dahil dito, kumanta pa uli si Jovit para pagbigyan ang audience kabilang na ang “Faithfully” na naging signature song na niya matapos tanghaling champion sa Pilipinas Got Talent ilang taon na ang nakararaan.
Makalipas ang ilang sandali matapos ang kanyang performance, may nakakita kay Jovit na parang na-deform na raw ang itsura at tumutulo na ang laway habang nakaupo. Agad naman siyang isinugod sa ospital ng ilang nasa event.
At nang malaman nga ang nangyari kay Jovit, nag-post si Kiray sa kanyang Facebook account ng saloobin.
FB post ng komedyana,”Pinagbawalan na pala si Jovit kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya. Hirap rin po talagang maging performer o artista…
“Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago ka na.
“Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila.
“Kahit antok ka dapat hyper ka sa kanila.
“Kahit gutom ka dapat nakangiti ka pa rin.
“Kaya sana intindihin n’yo rin po na tao lang din kami. Artista man o hindi, lahat po tayo may problema.
“Lahat tayo may pinagdadaanan sa araw araw. Kaya piliin natin umunawa. Piliin nating maging mabait,” paalala pa ni Kiray.
***
AYON kay Meryll Soriano, significant para sa kanya ang pagsapit niya ng 40th birthday nitong Disyembre 9, 2022. Itinuturing niya itong bagong chapter ng kanyang buhay.
Sabi ni Meryll sa interview sa kanya ng Pep.ph,“Di ba, lagi nilang sinasabi, life begins at 40? And when you’re 20, you don’t understand that. When you’re 30, you don’t understand that.
“But I want to understand that this time. So, dahil papasok na ako sa 40, excited ako. Excited ako kasi, you know, I dedicated my last three years on being a mother.
“And parang I’m also thirsty and I want something for myself. So I think this is the perfect way to, you know, explore again with CAM sa creativity ko, sa passion ko.
Dagdag pa niya,”Talagang medyo nalunod ako sa pagiging nanay. Because talagang sobrang intense yung parenting namin ni Joem [Bascon] kay Gido.
“Wala kaming yaya. You know, nag-pandemic, and we really chose not to have a yaya. So ngayon, kailangan na namin ng yaya. Hindi na namin kaya! Ang likot!
“So, parang I really am looking to find myself again. Yung ako na dati pero ako na bago.
“So yun, I’m just you know being a woman at this time after being talagang enclosed sa mundo ng pagpapadede.
“Hanggang ngayon kasi, breastfeeding ako. So, you know, I just really also want to explore yung bagong opportunities sa buhay ko as a woman, as a mother, and as an artist,”aniya pa.