Advertisers

Advertisers

Tuloy ang aruga sa seniors sa Maynila, ngayong Pasko

0 168

Advertisers

TULOY-TULOY ang pag-aaruga ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga senior citizens, lalo na ngayong Kapaskuhan.

Ito ay ayon mismo kay Mayor Honey Lacuna makaraang ianunsyo niya na sisimulan na nilang dalawa ni Vice Mayor Yul Servo ang distribution ng special Christmas gift boxes para sa 179,000 senior citizens sa lungsod na inaasahan nya ring matatapoos sa loob ng dalawang araw.

Ang gift-giving para sa mga nakatatanda at nakatakdang magsimula ng December 14 and 15, makaraang matapos nina Lacuna at Servo ang distribusyon ng food boxes na naglalaman ng mga Noche Buena items sa bawat pamilya sa Maynila na nasa 695,000 ang bilang.



Ipinaliwanag ng spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante na ang Christmas boxes para sa senior citizens na naglalaman ng tumbler, cookies at coffee ay bukod pa sa pinamimigay na food boxes kada pamilya.

Ayon kay Abante, lahat ng senior citizens ay tatanggap ng Christmas box bawat isa, ibig sabihin sakaling may dalawa o mahigit pang senior citizen sa isang household, lahat ay tatanggap ng regalo.



“This is the mayor’s simple gesture of appreciation and gratitude to the elderly population who have spent their most productive years contributing to the progress of the city,” sabi ni Abante.

Ang kauna-unahang lady mayor ng Maynila ay naglatag na ng mga programang ang layunin ay pangalagaan ang kapakanan senior citizens, ito ay bukod pa sa palagian niyang paalala sa mga residente ng lungsod na alagaang mabuti ang kanilang magulang at mga lolo at lola.



“Asahan po ninyo ang patuloy na pagkalinga at pagmamahal na ipadarama natin sa Maynila para sa lahat ng ating nakatatandang Manilenyo. Muli po, happy mga minamahal naming nanay tatay lolo at lola,” sabi ni Lacuna.

Sinabi pa ni Lacuna na bukod pa sa patuloy na vaccination ng senior citizens sa tulong ng Manila Health Department sa pamumuno Dr. Poks Pangan, ang office of the senior citizens’ affairs o OSCA ay patuloy sa pagbibigay ng tinapay at gatas sa mga nag-a-apply ng senior citizen cards o IDs s tanggapan ng OSCA.

Si Lacuna na isa ring doktor ay patuloy namang nagdadala ng serbisyong medikal sa mga senior citizens lalo na tuwing mayroong “Kalinga sa Maynila” forum na karaniwan ng ginagawa sa iba’t-ibang barangay.

Nagdadala rin ang alkalde ng mga wheelchairs para sa mga ‘di na makalakad dahil sa katandaan at karamdaman. Nagsasagawa rin siya ng door-to-door visits upang malapatan agad ng lunas ang mga pasyenteng bedridden, ito ay bukod pa sa personal na pagdadala niya ng ng gatas at medical assistance sa mga senior citizens at sa mga nangangailangan nito.

Matatandaan na noong kasagsagan ng pandemya, ay hinarap ni Lacuna ang panganib na dala ng COVID-19 nang personal niyang bakunahan ang mga bedridden na mga residente na hindi kayang pumunta sa mga vaccination sites, dahil dito siya mismo ay nahawa ng COVID-19. (ANDI GARCIA)