Advertisers

Advertisers

Nainsekyur kay Liza…Nadine kumalas na sa recording label ng ex-dyowang si James; Andrea gaganap na Dyesebel, babu na sa Darna ni Jane

0 165

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA interbyu kay Nadine Lustre ng isang FM station, ipinaalam nito na tuluyan na siyang kumalas or umalis sa Careless Music na pag-aari ni James Reid.
Magkaiba kasi sila ng vision at tila dama ni Nadine na di siya para sa music.
Sa pag amin pa ni Nadine, tila iba raw ang pokus ng Careless Music ni James.
Pang International daw kasi ang tinutumbok at pinopokusan ng pag-aari ni James.
Si Liza Soberano umano kasi ang inilalako ng ex para sa kanyang production kaya nilayasan at umalis na ito sa recording ni James.
Kaya naman ang pagkakaroon ng communication nina James at Nadine ay tuluyan nang pinutol sa pagbitaw ng actress.
Dagdag pa ni Nadine na nagkasakit siya na di niya natututukan ang kanyang health.
Wala raw kasing time para magpa- check up.
Tila ang kanyang right arm ay may feeling na uncomfortable na tila sa nerve kaya pag nag work out ay ini- stretch ito ng actress.
Mabuti na nga lang daw atnandiyan ang bf na si Christopher Bariou na siyang nag-aalaga sa kanya.
No regrets daw si Nadine sa pag-alis sa Careless Music, matututukan na anya nito ang kanyang health.
***
KAHIT noon pa man ay gustung-gusto na ni Andrea Brillantes na maging sirena kapag ito’y nakakapanayam.
Kulang na nga lang daw dito ay buntot at kung pagiging mermaid ay dream na ito ng alaga ni Becky Aguila.
Sa post sa socmed ni Andrea ay ipinakikita nito kung gaano siya kahusay lumangoy at sumisid.
Kaya if ever na matuloy ang pagiging sirena ni Andrea ay di na ito dadaan pa sa training para sa swimming lesson dahil marunong na ito.
Naging tampulan ng usapan sa apat na sulok ng showbizlandia na tila ire-remake ang Dyesebel at ito ang ipapalit sa Darna at sisimulan daw ang shooting sa 2023, ‘yun ang sitsit sa kabila na wala pang kumpirmasyon na galing sa Kapamilya network.
Huling gumanap na Dyesebel si Anne Curtis nung 2014 at marami na rin nagsiganap na Dyesebel.
At pag natuloy, si Andrea ang bagong Dyesebel.
Well, well, well…Yun na!