Advertisers

Advertisers

2 patay, 11 sugatan sa sumalpok na bus sa poste

0 149

Advertisers

DALAWANG pasahero ang nasawi at 9 ang sugatan nang bumanga ang sinasakyan nilang bus sa poste ng kuryente sa Orani, Bataan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eva Oril, 74 anyos; at Kevin Fontillas, kapwa taga Mariviles, Bataan.

Dinala naman sa pagamutan ang 11 sugatan kabilang ang driver ng bus na si Jeffrey Santos.



Ayon kay Colonel Rommel Velasco, ang provincial director ng pulisya sa Bataan, 2:40 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Roman superhighway sa bahagi ng Barangay Dona, Orani.

Ang mga biktima ay sakay ng Genesis bus (ABH1362) na minamaneho ni Santos at binabagtas ang kahabaan ng superhighway patungo sa Metro Manila habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Santos dahil sa madulas ng kalsada na kumabig ito pakanan at bumangga sa poste ng kuryente.

Dinala ang mga biktima sa isang ospital sa Balanga City kungsaan binawaian ng buhay sina Oril at Fontillas sanhi ng mga tinamong matinding pinsala sa katawan. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">