Advertisers
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa international airports sa Manila at Cebu ang dalawang puganteng dayuhan na pinagbabawalan ng makapasok ng bansa dahil sa pagiging undesirable aliens.
Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tangsingco na ang dalawang dayuhang pugante ay nasabat noong Jan. 2 and 3 makaraang lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi pa ni Tansingco na ang dalawang dayuhan ay agad na hiniwalay at agad na nai-booked sa first available flight pabalik ng bansang kanilang pinagmulan. Kinalaunan ay isinama na ang pangalan ng dalawang dayuhan sa immigration blacklist na habambuhay ng hindi papasukin sa bansa.
Kinilala ang nasabat na dayuhan sa MCIA noong Jan. 3 na si Reiner Reinhold Heber, 63, German national at umanoy isang recidivist at violent offender who was sentenced to nine-years imprisonment and attempted homicide.
He was turned back after arriving aboard a China Airlines flight from Taipei as immigration officers were already alerted about his trip by officials from the BI intelligence division.
Samantala noong Jan 2 naman nasabat ang isang babaeng Intsik na nagngangalang Chen Qiaolin, 30, matapos na lumapag sa NAIA ang sinasakyang Philippine Airlines mula Kuala Lumpur.
Ang pangalan ni Chen ay agad na nagrehistro ng hit sa Interpol database, dahil dito ay agad siyang hiniwalay ng mga BI-NAIA officials at pinabalik sa Malaysia.
Base sa impormasyong nakalap mula sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Manila, si Chen ay wanted sa China dahil sa human trafficking.
Nabatid pa mula sa public security bureau of Feixi country sa Anhui province, China na si Chen ay nauugnay din sa telecommunications fraud at illegal online gambling activities.
Sinampahan din si Chen ng palsipikasyon ng travel documents ng kanyang mga trafficking na iligal na nakapasok sa Malaysia, Cambodia at iba pang bansa.
“We believe that she might be part of an illegal human trafficking syndicate deploying Chinese workers illegally to other Asian countries,” sabi ni Tansingco.
“Hence her presence in the country poses as a threat to Filipinos,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)