Advertisers
For the very first time sa loob ng mahigit na siyam (9) na taon, nangangalampag ang city council ng lungsod Paranaque dahil sa matinding problema sa garbage collection ng siyudad.
Ayon sa mga konsehales na binaha ng reklamo ang kanilang mga opisina mula sa mga residente ng lungsod, ang dati umanong magandang slogan ng nasabing progresibong siyudad nila na ” BAGONG PARANAQUE” ay napalitan na ngayon ng “BAHONG PARANAQUE” dahil na rin sa mga nangangalingawaw na gabundok na basurang di nakokolekta ng kumpanyang itinalaga ng city hall para sa layuning ito.
Ngayon lamang nangyari ang mga ganito kalalang sitwasyon sa lungsod ng P.aranaque.
At ngayon lamang TILA pumalag at nag-alsa ang mga konsehales na halos ay kaalyadong lahat ng mga Olivarez
Hindi man direktang tinuloy ang ugat ng problema,malinaw naman na responsibilidad ito ng nakaupong alkalde na si Mayor Eric Olivarez at kanyang official staff na kinabibilangan siyempre ng kanyang city administrator na si Atty.Voltaire Dela Cruz.
Matagal na tayong nagko- cover sa Paranaque City Hall beat ngunit ngayon lamang na- encounter ang ganito kadumi at kabahong isyu.
Hindi na tayo magtataka pa kung pati si dating mayor at ngayon nga ay 1st district Congressman Kuya Edwin Olivarez ay mairita at madismaya.
Sa ilalim kasi ng siyam (9) na taon nitong masinop na pamumuno sa nasabing lungsod ay hindi kailangan man nagkaganito.
Naging “harmonious” ang relasyon ng city council at ng kanyang tanggapan.
Never in the history ng lungsod under the helm of Kuya Edwin na may umusbong na ganitong problema o shall we say big rift between the executive and the legislative branch ng Paranaque LGU.
Sa special session na ginawa ng konseho ng siyudad na pinamunuan ni Vice Mayor Joan Villafuerte, it was short in saying na ang contractor ng basura ng lungsod ang ugat ng problema.
Same thing sa naging privilege speech ni dating Vice Mayor and now Councilor Rico Golez.
Ang tanong ng mga Paranaquenos,gaano ba katibay ang kontraktor ng basura sa lidetato ni Mayor Eric Olivarez na at di kayang mapalayas kahit pa ginagawa nang Smokey Mountain ang dating marikit at mabangong siyudad?
May pera- pera bang involved sa pag- award ng nasabing kontrata sa kasalukuyang hauler ng basura ng lungsod.
Sa inihalimbawang kautusan, inisa-isa ni Konsehal Rico Golez,malinaw na may paglabag ang kontraktor ng basura ng siyudad.
Sa mga trak pa lamang na ginagamit na panghakot Ng basura ay may malinaw ng paglabag na sa kontrata.
Di puwedeng basta ordinaryong trak lamang ang gamitin.
May mga specs na di nasunod.
Panawagan ng mga konsehal ng Paranaque ay magsagawa ng isang masusing imbestigasyon ang City Council.
Again, for the longest time,ngayon ko lamang ito narinig na isinatinig ng mayorya ng konseho ng lungsod na kilala bilang strong and close allies ng pamilya Olivarez.
Ang ibig bang sabihin nito ay sadyang may bahong dapat mabulgar at kinakailangan nang kalusin at bigyan ng tuldok?
This is really unprecedented sa Paranaque City Hall.
Anyare Mayor Eric Olivarez?
Bakit sa murang edad ng iyong liderato ay ganito na kabaho ang problema?
Kaya mo pa ba Mayor Eric Olivarez?
Or it’s about time to accept the bitter reality?
Susmaryosep!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com