Advertisers

Advertisers

PBBM tiniyak ang maraming investments at trabaho sa WEF

0 126

Advertisers

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging positibo ang resulta ng kanyang pagdalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Dumating si Pangulong Marcos kasama ang kanyang buong delegasyon sa Zurich International Airport dakong 4:28 ng hapon sa naturang bansa o alas-11:28 ng Linggo ng gabi dito sa Pilipinas lulan ng flight PR 001.

Tiniyak ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na sasamantalahin nito ang pagdalo sa World Economic Forum 2023 sa Davos, Switzerland para makapaakit ng mas maraming investments sa bansa.



Ayon kay Pangulong Marcos, ang World Economic Forum ay magho-host daw kasi ng Country Strategy Dialogue at sa pamamagitan nito ay mabibigyan sila ng oportunidad na mai-promote ang Pilipinas bilang leader at driver of growth.

Sisiguraduhin din umano nitong magiging gateway ang Pilipinas sa Asia-Pacific region na isa sa mga bukas sa pagnenegosyo na handa ang bansa na mapunan ang regional at global expansion plans ng foreign at Philippine-based enterprises.



Kaakibat nito ang competent at well-educated Filipino workers, mga managers at professionals. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">