Advertisers

Advertisers

MGA NIGHT CLUB NA MAY MALASWANG PANOORIN SA MANILA AT PASAY, NAKA TIMBRE RAW SA NBI?

0 176

Advertisers

BAGO natin ilahad ang mga impormasyong nakalap ng BALYADOR i-congratulate muna natin ang National Bureau of investigation (NBI) na pinamumunuan ni Director Atty. Melvin Matibag, dahil sa accomplishment na kanilang natamo tulad na lang sa ginawa nilang raid at pagpapasara ng KTV Bar umano ni former Congressman Mike Defensor na sinasabing front ng prostitution.

Dapat isantabi rin muna ni Matibag ang isyu tungkol sa nangyaring “putukan” sa Senado sa pagitan ng Office of the Senate Sergent -at-Arms (OSSAA) at ng kanyang mga tauhan. Dapat pagtuunan muna niya itong isyu ng “intelihensiya” na ipinangangalandakan ng mga night club sa Metro Manila na kaya hayagan silang nagpapalabas ng mga malaswang panoorin at quickie sex sa loob ng mga VIP rooms na may padlock dahil kumpleto umano sila linggo-linggo sa NBI.

Kung walang katutuhanan ang tsismis na ito dapat lang na kumilos si Matibag at tibagin nya itong mga putahan na Club Apeiro One, The Bay Club, White Bird, isama na rin niya ang Cove Sauna Bath and SPA sa Pasay City na halos katabi lang mismo ng Baclaran Church.

Habang seryoso na nagdarasal mga kaparian, deboto at mananampalataya sa naturang simbahan tuloy umano ang bold show at panandaliang aliw na inilalako ng mga bugaw na floor manager sa mga manyakis na kostumer at foreigner ang mga batam-batang solo performers, GRO, at Models na isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus o HIV.

Bukod dyan napaka untouchable din ang kalakalan ng mga sariwang laman ng mga bahay putahan na Apollo World Class KTV Bar, La Party Club at Nephente Entertainment and KTV Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Blvd, Parañaque City na karamihan din sa mga babae na sumasayaw ng hubot-hubad ay pawang mga minor de edad na hawak diumano ng ilang matataas na opisyal ng CIDG at NBI at isang administration Senator na siyang ipinagmamalaki ng mga officer-in-charge at may-ari ng mga prostitution den.

Samantala kung name dropping ang pag-uusapan bukambibig din umano ng isang intsik na alyas Danny C. na naka timbre ang kanyang mga bahay aliwan na Love Shut KTV, Nanie KTV, White Resto Bar at Kuya Jeff KTV na matatagpuan sa CM Recto, Barangay 309 Sta Cruz, Manila sa tanggapan mismo ng National Bureau of Investigation-Anti Human Trafficking Division (NBI-ANTHRAD) at Manila Police Disttrict (MPD). Tsk Tsk.Tsk..

Ang tanong, bakit pumapayag si Manila Mayor Isko Moreno na baboyin ang kanyang lungsod ng mga establisimyentong na pag-aari ng intsik na Danny C.?

To see is to believe!

Dapat nating malaman kay NBI Director Matibag kung may katotohanan diumano na may mga ahente ng NBI na umiinom at nagti-teybol ng libre sa loob ng VIP rooms na may padlock sa mga nabanggit na bahay aliwan?

Tutukan natin!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext A 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com