Advertisers
ISANG araw pagkatapos pangunahan ang Barangay Ginebra sa pagkopo sa 2022 PBA Commissioner’s Cup title, nanumpa ng kanyang katapan sa Pilipinas ang import na si Justin Brownlee.
Si Senador Francis Tolentino, tserman ng Senate Committee on Justice at principal sponsor ng Republic Act 11937 sa Upper House, ang nagpanumpa kay Brownlee sa isang simpleng seremonya na ginanap sa loob ng Senate building sa Pasay City.
Ang RA 11937, nagbigay ng Filipino citizenship ay Brownlee, ay pinirmahang maging batas ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang Huwebes.
Si Brownlee ay gumawa ng 34 puntos nang pamunuan ang Gin Kings sa 114-99 triumph laban sa Bay Area Dragons sa Game 7 ng finals sa Philippine Arena.
“It makes it even more special. We played with all Filipinos tonight, for the first time since I’ve been here,” sabi ni Brownlee sa championship — kanyang pang-6 bilang import ng Gin Kings.
Kailangan nalang ni Brownlee na makakuha ng certificate of naturalization mula Bureau of Immigration para tuluyang makamit ang kanyang karapatan bilang Filipino citizen.
Maari na ngayong makapaglaro si Brownlee Gilas Pilipinas sa international events.
Plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isabak siya sa ika-6 at final window ng FIBA World Cup Asian qualifiers sa Pebrero. Maari rin siyang isabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.
Makakasama ni Brownlee, 34, sina Jordan Clarkson at Ange Kouame ma kapwa narin naturalized players para sa Gilas Pilipinas.