Advertisers
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi pipigilan ng China ang mga mangingisdang Pilipino na pumunta sa mga traditional fishing grounds sa West Philippine Sea.
Nang hiniling ito na magbigay ng mga detalye ng kasunduan, sinabi ng Pangulo na hindi niya alam kung paano ginamit ang salitang “partnership” para ilarawan ito.
Ayon sa Pangulo, napagkasunduan nila ng China na hindi pipigilan nito ang ating mga mangingisda sa pangingisda.
Matatandaang, bago bumaba bilang national security adviser ni Marcos, sinabi ng retiradong political science professor na si Clarita Carlos na pinag-aaralan ng Pilipinas ang panukala ng China na bumuo ng partnership sa mga fishing village sa West Philippine Sea.
Inihayag ng Pangulo na ang mga coast guard ng dalawang bansa ay gumagawa rin ng mga paraan upang maiwasan ang mga tensyon sa pinagtatalunang karagatan. (Vanz Fernandez)