Advertisers

Advertisers

Lovi iniba ang role kaysa Maricel sa ‘Batang Quiapo’

0 299

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

BISI-bisihan na ang byuti ni Lovi Poe sa pagpasok ng bagong taon, dahil sa nagsisimula na sila ng taping ni Coco Martin para sa bagong teleserye ng Kapamilya, ang “Batang Quiapo” na balitang kasagsagan na raw ngayon ng taping dahil sa ang serye raw na ito ang papalit sa malapit nang matapos na “Darna: The TV Series”.
Sa original na movie ng “Batang Quiapo”, ang role ni Maricel Soriano ang gagampanan ni Lovi, knowing Maria sa movie na iyan ay medyo kikay ang kanyang papel. Does this mean magiging kikay din ang role ni Lovi sa serye?
Ayon kay Lovi, hindi raw pareho ang kanilang atake ni Maria dahil sa iniba ang takbo ng kanyang karakter sa serye kaysa sa movie. Hindi man pareho ang kanilang pag-arte ay hindi naman daw mawawala ang mga unforgettable scenes sa movie version ng “Batang Quiapo”.
“Iniba kasi nila yung character ko pero syempre lalagyan namin ng touch of the original,” say ni Lovi.
The upcoming Kapamilya series also features Charo Santos Concio, Christopher de Leon, Cherry Pie Picache, Irma Adlawan, and many more.
***
DAHIL sa may tema ng pagmamahal at pagpapasakit ang bagong movie ng magdyowang sina Kim Molina at Jerald Napoles, ang “Girlfriend Na Puwede Na” streaming this January 18 in all Vivamax apps ay natanong si Kim kung siya ba ay isang tipo ng babaeng gagawin ang lahat para hindi iwan o ipagpalit ng lalakeng mahal niya?
As in trying hard to be enough sa karelasyon.
The singer/actress explained that if she is not enough for that person, she would not push through with the relationship.
“Kasi po parang kung sa tingin niya kulang pa, ay next. Parang, hindi po kami magkakatagpo kung lagi kong pipilitin ‘yung sarili ko eh. Eh, ayaw ko pong mamilit ng tao,” say ni Kim.
Pagdating naman sa karir, gagawin naman ni Kim lahat ng kanyang makakaya para maging enough sa goal niya sa buhay.
“If I have a goal in my life, I would do what it takes to improve myself for me to be enough. For example, I would audition for a role, magwo-workshop ako, aaralin ko ‘yung script, I would really do my best for that particular project,” dagdag na say ni Kim.