Advertisers

Advertisers

3 Chinese nat’ls na wanted sa economic crimes, huli ng BI

0 156

Advertisers

NASAKOTE ng mga operatiba ng Fugutive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) nitong January 8 ang isang lalaking Chinese at dalawa babaeng Chinese na wanted  ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakaugnay sa krimeng pang-ekonomiya.

Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga puganteng naaresto sa dalawang magkahiwalay na lugar sa  Paranaque na si Cheung Wa, 56.

Si Cheung na naaresto Brgy Tambo ay wanted sa Public Security Bureau of Fuding City dahil sa  pagkakaugnay sa economic crimes sa China. Sinasabing nakapagtatag ang suspek nang ilang  investment companies na nakapanloko ng mahigit  100 biktima dahil sa pagkukunwari nito bilang isang  real estate company na nangangako ng high interest rates.  Ang scam ay nagkakahalaga ng 40 Million RMB o tinatayang  P326.5 M Pesos.



Naaresto din ng kaparehong araw sa New Seaside Drive, Parañaque sina  Chau Mut Hing, 63 at Zhang Yi, 50.

Sinabi ni Tansingco na ang  dalawa ay subject ng arrest warrants na inilabas noong  December ng prosecutor’s offices sa Yangzhou, Jiangsu province at Shanghai City, China.



Ang dalawa ay inaakusahang miyembro ng sindikato na may kinalaman sa  oil smuggling at paggawa ng mga  counterfeit commodities.

Sinabi ni BI FSU Chief Rendell Ryan Sy na agad na dinala ang tatlong pugante sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig kung saan sila mananatiling naka-detained habang naghihintay ng kanilang deportasyon. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">