Advertisers

Advertisers

Barbie happy na maraming kinilig sa labtim kay David

0 340

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISA sa labis nagpasaya kay Barbie Forteza sa nalalapit na pagtatapos ng high rating serye nilang “Maria Clara at Ibarra”, bukod siempre sa sobrang papuri sa kanyang mahusay na pagganap sa karakter ni Klay sa naturang serye ay ang pagtangkilik ng labtim nila ni David Licauco.
Talagang maraming kinilig sa tambalan ng dalawa at tila may nabuong kemistri sa kanilang dalawa bilang loveteam in reel life. Si Jak Roberto kasi ang loveteam ni Barbie sa real life.
Di na rin naman bago para kina Barbie at David na maging magkapareha sa isang project. Una na silang pinagsama sa
Mano Po Legacy: The Family Fortune”, naging mainit din naman ang pagtanggap ng viewers sa nasabing mini-series pero hindi nagklik that time sa masa ang tambalan ng dalawa.
“Siguro. kasi before, sa ‘Mano Po’, he’s really engaged to another girl. Unlike here in ‘Maria Clara at Ibarra’ na maganda ang naging story arc ng characters namin. Noong una, para kaming aso’t pusa hanggang naging close kami sa isa’t isa. And siguro, this is really the right time,” say ni Barbie.
But wait sa pagtatapos ng “Maria Clara at Ibarra” this coming February, wala man para sa 2 ang naturang serye ay magpapatuloy ang istorya nina Barbie at David sa pag-uumpisa naman ng istorya ng book ng ‘El Filibusterismo’.
***
PASOK na rin bilang sexy nymphet ang daughter ng actor na si DJ Durano, si Yen Durano. Kasama siya sa ‘mainit’ na pelikulang “Tag-init” na pinagbibidahan ng kapwa niya bagong sexy actors ng Vivamax na sina Franki Russell, Ali Asistio at Clifford Pusing plus Aerol Carmelo, Axel Torres, and Marc Acueza.
Sa direksyon ni Jose Javier Reyes, it will stream on January 20 via Vivamax.
Bilang isang artista rin ang ama, tanggap kaya nito na ang anak niyang si Yen ay sasabak sa mga mapangahas na eksena sa unang sabak sa mundo ng showbiz?
“Yes, po, so far supportive naman siya ever since with everything, he knows naman the industry. So for me, I’m just going to get that money, get that bread. Just like be yourself, with acting naman, it’s about reactions talaga. So that’s what he told me,” say ni Yen.
Tsikang hindi na humingi ng blessings si Yen sa kanyang ama ng pasukin ang pagpapa-sexy sa pelikula?
“Hindi po ako nagpaalam sa kanya, pinaalam ko lang na, ‘Uy, magVi-Vivamax pala ako ha. Wala ka ng magagawa diyan ha, support ka na lang.’ Ganon. I like to do my own decisions regardless of whoever,” diretsang tugon ni Yen.
Whattagirl!!!!!