Advertisers

Advertisers

Liza babu showbiz na, sa LA na kakarerin ang Hollywood dream

0 156

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

IIWAN na pala ni Liza Soberano ang kanyang showbiz career sa Pilipinas. Nagdesisyon siya na manirahan na sa Los Angeles, California, upang doon na karerin ang kanyang Hollywood dream.
Ipinahayag ito ni Liza sa YouTube vlog ng Filipino-American beauty brand owner/makeup artist/vlogger na si Patrick Starr.
Sabi niya,”Yeah, like, I’ve never officially announced that I’m moving to L.A.
“That’s just because it is much easier to build my career if I am out here [in Los Angeles] because they are always, constantly, looking for, like, in-person meetings.
“And it’s just hard to book the job when you’re meeting people over Zoom. They can’t really tell what your personality is like or they can’t really see what you actually look like.
“I really wanna become an actress, a world-class actress.”
Pero ine-explore din ni Liza ang kanyang music career.
“So I signed with a music label in the Philippines called Careless and I’m also signed to a music label here in L.A. called Transparent Arts, which is owned by the Far East Movement boys,” kuwento pa ni Liza.
“They are really immersing me in the music industry. I have been training a lot here. I’ve been taking vocal lessons, acting.”
Noong June 2022 nang pumirma si Liza sa Careless Music, ang record label at talent management company na president at founder si James Reid.
Kasunod nito ay na-cast si Liza sa American film na Lisa Frankenstein, na gaganap siyang stepsister ng bidang si Kathryn Newton.
“It’s the most surprising thing that happened to me in years.”
***
JENNICA MUNTIK MAG-OFW KUNG DI NAKABALIK NG SHOWBIZ
SA isang interview ni Jennica Garcia, maluha-luhang ikinuwento niya na nawalan na siya ng pag-asa noon na makabalik sa mundo ng showbiz kaya naisipan na niyang mangibang-bansa at mag-OFW.
Kwento ni Jennica,“Bale seven years po akong nag-artista. Seven years din po akong tumigil. Pagbalik ko po nakagawa ako ng isang proyekto tapos wala na pong sumunod and it was almost six months of no work.”
Aniya, nagbabalak na siyang magtrabaho sa ibang bansa at maging Overseas Filipino Worker (OFW) dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang dalawa niyang anak.
“Iniisip ko na rin po nu’n na okay lang kapag hindi ako mabigyan. Mag-o-OFW na lang po ako. Ito lang ang alam ko na trabaho e, ang pag-aartista. Ang isa ko na lang pong naiisip ay mag-ibang bansa.”
Dito raw niya naisip ang advice ng kanyang inang si Jean Garcia na subukan niyang mag-reach out sa ABS-CBN.
At naglakas-loob siyang kausapin sa pamamagitan ng viber ang Dreamscape Entertainment executive na si Deo Endrinal.
“Wala po akong kilala sa ABS. Hindi ko po makalimutan ‘yung sinabi sa akin ni mama dati, matagal na ‘yun. Sabi niya, ‘Anak, just in case na maisip mo na gusto mo with ABS-CBN, gusto ko alam mo na Sir Deo is a very trusted friend of mine. You can go to him.’
“Nu’ng time po na ‘yun naisip ko, sige ito na kakapalan ko na ‘yung mukha ko.
“Alam ko na they didn’t think of me when our writers were making Lala into the character that she is today.
“Pinag-igihan ko po talaga kasi para sa ‘kin ang dami kong kailangan patunayan at ayoko mapahiya si Sir Deo.
“Ang goal ko ang maiisip ng mga boss ko, ‘tama, dapat siya nga si Lala,’” aniya pa.
Si Lala ang pangalan ng character ni Jennica sa isang serye.