Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DAHIL sa pagkaka sungkit sa Best Actress trophy kamakailan sa nakaraang MMFF ay inuugnay na ang namesung ni Nadine Lustre sa mga beterana.
Sa mga beteranang aktres ay nabanggit ni Nadine ang Star For All Seasons Vilma Santos na gusto nitong makatrabaho sa isang project.
Natatandaan nito na naka-work na dati si Ate Vi sa MMK.
Pero paglilinaw ni Nadine na napakabata pa raw niya noon kaya di pa nagsi-sink in sa kanya na si Vilma ang naka-work niya.
Maikli lang daw ang eksena na pinagsamahan nila ni Ate Vi sa MMK.
Kaya nung makita nito si Ate Vi sa awards night ng MMFF ay gusto nitong yakapin ang nanay ni Luis Manzano.
“Gusto ko ulit makatrabaho si Ate Vi para mag-sink in na sa akin di katulad dati na napakabata ko pa siya naka trabaho,” sey pa ni Nadine.
Open naman si Nadine sa lahat ng beterano sa industriya na kanyang makatrabaho pero uunahin na raw nito na makatrabaho si Ate Vi.
***
NOON pa man ay nagpahaging na si Sylvia Sanchez na dating na sina Zanjoe Marudo at ang anak na si Ria Atayde.
Naispatan din sa ilang okasyon at bakasyon ng mga Atayde si Zanjoe.
Kaya sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa Headstart at sa tanong na kung in a relationship ba ito.
Walang kagatul-gatol na sumagot si Zanjoe ng ‘Yes’.
Last August nang makitang magkasama sina Zanjoe at Ria sa ibang bansa at nagtuluy tuloy na ang kanilang dating.
Hindi naman kumontra pa si Sylvia sa kaligayahan ng anak bagkus nasa right age na si Ria na 30 at si Zanjoe ay 40 na, 10 years ang kanilang age gap.
Natanong din ni Karen kung may plano na silang magpakasal.
Ani Zanjoe na nangingiti na napakaaga pa raw para sa kasalan at this point in time ay ini-enjoy nilang dalawa na magkasama sila.
Para sa usapang kasalan ay wala pa raw sa isip nila ni Zanjoe.
Well, well, well…’Yun na!