Advertisers

Advertisers

Vince ninenerbyos sa bagong serye

0 308

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NASA pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management ang Sparkle actor na si Vince Maristela.
Ang pinuno ng Mercator ay si Jonas Gaffud na kilalang beauty queen maker at isa rin sa mga namumuno sa Miss Universe Philippines at ng Empire.PH.
Dahil dito ay madalas na nasa abroad si Jonas, tulad ngayon na nasa Amerika ito para sa 2022 Miss Universe beauty pageant sa New Orleans na ang kandidata ng Pilipinas ay si Celeste Cortesi.
Sa kaabalahan ni Jonas sa mga beauty queens, contestants at pageants, hindi ba nakakaramdam si Vince na baka napapabayaan na siya nito?
“Hindi naman po, kasi parati kaming nag-uusap ni Mama J, yun kasi yung tawag ko sa kanya, and siyempre kasama ko din si Mama Mau parati and minsan din nagvi-visit ako sa kanya sa office.”
Manager din daw ni Vince si Mau de Leon na VP ng Mercator.
”And hindi ko naman po naramdaman yun kasi ever since supported talaga ako ng Mercator sa career na ito, and ng Empire.
“Actually, sila din po ang… nung una pa lang na na-discover ako gusto na nila agad ako gawing artista but then dahil sa school ko na-push forward yung sa pag-aartista ko, and kahit ganun sinuportahan pa din nila ako and I just wanna thank them for the trust they gave me and yun lang po.”
Matatapos na ni Vince ang kanyang pag-aaral.
“Yes po, Marketing Management, ga-graduate na po ako this coming June, sa DLSU po.”
Mahirap bang pagsabayin ang studies at pag-aartista?
“Nung una siyempre mahirap po, pero madami naman pong ano eh, madami pong time na spare ko lalo na college na ako and nag-underload na din ako nun so nadalian lang din naman po ako, and medyo smooth lang yung transition ko going to show business.”
Ano ang pakiramdam ni Vince na siya ang tinatawag na pinaka-hunk ng Sparkle?
Tumawa muna ito bago sumagot.
“Ang masasabi ko lang po is sana suportahan ninyo po ako. “And suportahan ninyo din po yung show namin na sina Allen and Sofia ang lead nung show namin na Luv Is.”
Kasama si Vince sa cast ng Luv Is: Caught In His Arms na bida ang loveteam na Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Pero ano nga masasabi ni Vince na siya ang hunk ng Sparkle? Naimpluwensyahan pa nga niya si Allen sa fitness, na natutong mag-diet na kadalasan ay chicken breast lamang ang kinakain kasabay ng pagwu-workout sa gym.
“Ang masasabi ko lang po I’m super grateful na nasa Sparkle ako, na parang kung ano ako tinanggap nila ako and they push me kung… they push me to my limits and siyempre mas lalo akong naggu-grow sa kanila and yun lang po.”
Pangangatawanan mo na ang pagiging hunk niya?
“Depende po yun sa Sparkle, may tiwala po ako sa kanila and kung ano yung ibigay nila gagawin ko po.
“I’m sure kung ano yung ibigay nila ready ako and if not, gagawin nila akong ready.”
May shirtless scene ba sa Luv Is: Caught In His Arms?
“Wala po, mga sando-sando lang po.”
How does it feel na ngayon nasa isang primetime show siya?
“Siyempre po grabe po yung pressure, first project and prime time.”
Wala pang serye na nagawa si Vince before, kaya pinakauna niyang project ang Luv Is: Caught In his Arms.
“Wala pa po, so sobrang nape-pressure po ako tulad po ng sa sinabi ko kanina na every project is an opportunity to grow, to enhance our skills and talents and I took this project as a learning experience for my craft and siyempre parati kong ginagalingan araw-araw para makamit ang pangarap ko.”
Ninenerbyos ba siya kasi nga ay nasa primetime slot ang una niyang serye na sinalihan?
“Actually, nakaka-nerbiyos po pero mas nangingibabaw po ang excitement.”
Kasama rin sa Luv Is: Caught In His Arms ang Sparkada boys sina Sean Lucas, Michael Sager, Raheel Bhyria at ang Sparkle girls na sina Caitlyn Stave, Tanya Ramos, Cheska Fausto and Kirsten Gonzales.
Ang Luv Is: Caught In His Arms ay sa direksyon ni Barry Gonzales at napapanood sa Primetime Block, 8:50 pm.