Advertisers
Kulong ang isang lalaki nang makuhanan ng mga pekeng sigarilyo sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija.
Kinilala ang nadakip na si Joselito Rodriguez, 53 anyos, at residente ng Barangay Lumboy, ng nasabing bayan.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na kontrabando ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip kay Rodriguez.
Narekober sa suspek ang 3 kahon ng pekeng sigarilyo na aabot sa halagang P34,000.00.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines si Rodriguez.