Advertisers
Natagpuan ang chop chop at sunog na katawan ng tao na nakasilid sa sako sa may sapa sa bahagi ng Abacan river bank sa Ninoy Aquino, Angeles city, Huwebes ng gabi.
Nagsimula na ang Angeles PNP station 6 sa paghahanap ng mga CCTV na maaari nilang ma-review para makakuha ng lead sa natagpuang chop-chop na katawan na naka silid sa dalawang sako sa Bgy. Ninoy Aquino.
Ayon kay station commander na si PMajor Dexter Ebbat, ito ang una nilang magiging hakbang para maresolba ang kaso.
Sa ngayon isinasailalim pa sa pagsisiyasat ng SOCO ang bangkay.
Hindi pa rin madetermina kung ano ang kasarian ng biktima.