Advertisers
NAGA CITY – Aabot sa P13.6 million pesos na halaga ng illegal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa dayong mag-asawa sa lungsod ng Naga.
Sa ulat ng Naga City Police Office kinilala ang mga suspek na sila Ernan at Nelyn Tobias, pawang residente ng Patimbao, Santa Cruz Laguna.
Ayon sa report, 9:11 ng gabi nang maikasa ang High Impact Operation sa Diversion Road ng Barangay Tabuco kung saan ito ang napag-usapan na lugar ng transaksyon.
Nakakuha ng mga pulis ng isang eco bag laman ang dalawang self-sealed transparent plastic sachet na ang laman ang naturang droga at tinatayang nasa 1,500 grams ang timbang nito at maliban pa riyan isang 9mm pistol na may apat na bala. Wala silang naipakitang dokumento ng baril.
Umabot ng 2,000 grams ang timbang ng nabawing illegal na droga sa dayong mag-asawa sa lungsod ng Naga.
Ayon kay NCPO Spokesperson PSMS Toby Bongon base sa intelligence hindi lamang sa Bicol nagkakaroon ng transaksyong ang nasabing mga suspek.