Advertisers
SINUSPINDE uli ng panibagong 90 araw ang suspendido nang Bureau of Correction (BuCor) Director General na si Gerald Bantag.
Ayon sa Department of Justice (DoJ), ito’y nang payagan ni Bantag ang isang news channel para ma-interview si retired Army General Jovito Palparan sa New Bilibid Prison noong November 15, 2021.
Sinabi ng DoJ na ang naging hakbang ni Bantag ay taliwas sa BuCor Operating Manual at Department Circular.
Pinasasagot si Bantag ng DoJ sa usapin sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang naturang kautusan.
Una nang sinuspinde si Bantag noong October 2022 nang masawi si Jun Villamor, ang preso na umano’y nagsilbing middleman sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.