Advertisers
ARESTADO ang dalawang barangay chairman na kapwa wanted sa kasong murder sa Don Carlos, Bukidnon nitong Martes.
Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Camiguin Provincial Field Unit ang mga dinakip na sina Saturnino Cuesta, 55, chairman ng Barangay Mahayahay; at Rudyrex Cinco, 42, chairman ng Barangay Buyot, kapwa sa bayan ng Don Carlos.
Dinakip ang mga ito sa bisa ng arrest warrant.
Ayon sa CIDG, si Cinco ang lider at miyembro naman si Cuesta ng ‘Cinco criminal group’ na sangkot sa gun-for-hire at land-grabbing sa Bukidnon.
Kinumpirma rin ni National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) chairman Allen Capuyan na ang dalawang tserman ang kumamkam sa lupa ng mga Lumad sa Barangay Imbayao at Buyot sa Don Carlos.