Advertisers

Advertisers

Ilang tauhan ng BuCor nagsampa ng reklamo vs Bantag

0 187

Advertisers

NAGSAMPA ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang ilang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) laban sa suspendidong si Director General na si Gerald Bantag at iba pang opisyal.

Lima sa anim na tauhan ng Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan kasama ang kanilang abogadong si Atty. Mauricio Ulep ang personal na nagtungo sa DOJ para maghain ng reklamo.

Ayon sa abogado ng mga nagrereklamo, kasong slander, oral defamation, grave threats, grave coercion, paglabag sa RA 9745 (Anti-Torture Act) at Obstruction of Justice ang inihain ng kaniyang mga kliyente laban kay Bantag.



Bukod dito, isinama rin sa reklamo sina dating BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, dating Deputy Security Officer Colonel Ricardo Zulueta at 9 iba pang opisyal ng BuCor.

Paliwanag ng abogado, nangyari ang insidente sa mismong opisina ni Bantag noong March 2, 2020 kungsaan hindi raw agad nakapagreklamo ang anim na complainant dahil sa tinatakot at binantaan sila gayundin ang kanilang pamilya.

Sinabi pa ni Atty. Ulep, naglakas loob lamang silang lumantad nang makipag-usap sa kasalukuyang opisyal ng BuCor.