Advertisers
HINDI pa nakakapaghain ng kanilang “courtesy resignation” ang 4 generals at 8 full-fledged colonels ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni PNP Public Information Office (PIO) chief, Colonel Red Maranan, base sa kanilang datos.
Aniya, sa ngayon ay nasa 941 o katumbas ng 98.74% mula sa kabuuang 953 koronel at heneral ang nakapaghain na ng kanilang courtesy resignation kungsaan 12 na lamang ang hindi pa kumakasa sa hamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Sa nasabing bilang, 802 ang koronel at 138 ang heneral; habang isa ang sibilyan na kabilang sa PNP Internal Affairs Service (IAS).
Matatandaang sinabi ni PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr., na nasa sampu ang kanilang pinaghihinalaang opisyal na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa pero hindi nito idinetalye kung nakapaghain na ang mga ito ng courtesy resignation.