Advertisers

Advertisers

4 kilong marijuana nasamsam sa abandonadong apartment

0 158

Advertisers

Matapos ang mahigit dalawang linggong hindi pag-uwi ng magkasintahan sa kanilang inuupahang apartment, napilitang buksan ito ng may-ari ng bahay hanggang sa madiskubre ang may apat na bultong marijuana sa Barangay Kaong, bayan ng Silang.

Sa pahayag ng may-ari ng apartment na nagpakilalang Ann sa pulisya, may mahigit sa dalawang linggo na umanong hindi nauwi at nagpaparamdam ang magdyowang suspek na umupa sa kaniyang apartment.

Nabatid na Oktubre 1 nang rentahan ng dalawa ang nasabing apartment at huli silang nakitang pumasok doon noong Nobyembre 24, at hindi na umano umuwi pa.



Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Christopher Olazo, nag-report ang may-ari ng apartment sa Silang Police matapos na makadiskubre umano siya ng apat na bulto ng marijuana na nakalagay sa isang backpack at nasa loob ng apartment na inokupahan ng mga suspek.

Napag-alaman na nauna rito, naaresto ang magdyowang suspek na sina Victor Jerric Bautista, 27 anyos; at Carmina Recla, 28, sa isang buy-bust operation noong Nobyembre 26 sa Barangay 43, Cavite City kung saan nakuhanan din sila ng 13 plastic sachet ng marijuana.



Sa salaysay ng may-aring si Ann sa pulisya, binuksan niya ang apartment ng mga suspek upang alamin kung may makukuha siyang kontak sa mga ito dahil sa hindi nagpapakita subalit dito niya nadiskubre ang backpack na naglalaman ng mga marijuana kung kaya agad niya itong inireport sa pulisya.

Aabot sa mahigit 4 na kilo ng marijuana ang nasamsam sa lugar na nagkakahalaga ng mahigit sa P400,000.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">