Advertisers
Isang lalaki ang nasawi nang malunod sa gitna ng family reunion sa Davao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Subaldo Beleganio na taga-Kidapawan City.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa Dagat Beach nitong Sabado.
Kuwento ng anak ng biktima, nakita niya ang kanyang ama na tila inatake sa puso habang naliligo sa dagat.
Hindi na naisalba ang biktima dahil malalim ang tubig.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit ito’y dead on arrival.