Advertisers
CENTRAL MINDANAO – Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya sa mag-iitik na sinaksak patay sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Elesio Maganto Porras, 39 anyos, duck raiser at residente ng Purok 2 Barangay Tinaungan, President Quirino, Sultan Kudarat.
Habang ang salarin kinilalang si Nonoy Rapista at nakatira sa Barangay Dimakanit, Tulunan, Cotabato.
Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon habang tulog ang biktima sa duyan sa loob ng kubo sa Purok 6 Brgy Dalipe M’lang Cotabato bigla itong pinasok ni Rapista at pinagsasaksak ng ilang beses gamit ang mahabang patalim.
Mabilis namang tumakas si Rapista at nakita ng ilang testigo na sumakay ng motorsiklo.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP at nakatakdang sampahan ng kasong murder si Rapista.