Advertisers

Advertisers

Groom, tinodas bago ang kasal

0 277

Advertisers

Sa halip na simbahan, sa sementeryo hinatid ng pamilya ang isang barangay official na pinagbabaril hanggang sa mapatay noong Biyernes ng gabi, isang araw bago ang kanyang kasal sa Cotabato City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Kingdom Mangansakan, kagawad ng Brgy. Macasendeg, Cotabato City at anak ni Brgy. Captain Naguib Mangansakan, ng Brgy. Paido Pulangi, Pikit, Cotabato.

Sa ulat, naganap ang insidente 6:15 ng gabi sa tapat ng isang pharmacy sa parking lot ng Alnor Commercial Complex.



Nabatid na naghahanda ang biktima at mga kasama nito para sa kanyang pagpapakasal sa isang pulis sa pamamagitan ng Islamic rites subali’t bigla na lamang itong nilapitan ng mga salarin at pinagbabaril ng apat na beses.
Tama sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima.

Nang makitang bumulagta at naliligo sa dugo ang biktima, mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng mga motorsiklo.



Agad namang inili­bing si Mangansakan.

Nangangalap na ng iba pang ebidensiya at CCTV footage ang pulisya upang malaman ang motibo at sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">