Advertisers

Advertisers

Sasakyan nakalimutang i-hand break, umabante: 1 patay, 4 kritikal

0 383

Advertisers

Patay ang isang estudyante at apat ang kritikal ang kalagayan sa naganap na aksidente sa loob mismo ng Cavite State University (CvSU) – Main Campus nang umabante ang isang sasakyan na naka-park sa Indang, Cavite nitong Lunes.

Kinilala ang nasawi na si Elaiza Gerielle Tesoro, 1st year college student, ng CvSU Indang, at residente ng Barangay Luciano Trece, Cavite.

Kritikal at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang 4 pang estudyante na kinilalang sina Fiona C. Gatchalian, 1st year college student, residente ng Barangay Cabuco Trece; Denise Chloe R. Ricohermoso, 1st year college, residente ng Hugo Perez Trece; Pauline E Diga, 1st year College, at residente ng Tambo Balagbag, Indang; at Angelo S. Magno 1st year College residente ng Dasmarinas, Cavite.



Sa report mula kay Police Major Edward B. Cantano, hepe ng pulisya sa bayang ito, 9 :55 ng umaga ng maganap ang trahedya sa loob mismo ng CvSU main campus.

Nakaupo umano ang limang estudyante kasama ang iba pa at nagbabasa ng aklat ng biglang maatrasan ang isang Canter ELF truck color white na may plate no. SKM 564 at minamaneho ni Federico Baculan, nasa hustong gulang, residente ng Binambangan St. Indang, Cavite.



Sa bilis ng pag-abante, naipit ang mga estudyante at naipit ang ulo ng namatay na biktima.

Ayon sa driver ng trak nalimutan umano niyang i- hand break ang nasabing sasakyan ng i-park niya ito dahilan upang mabilis itong umbante at natumbok ang mga nag-aaral na estudyante.(Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">