Advertisers
MAGPAPATUPAD ng bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.
Epektibo alas-6:00 ng umaga, ipatutupad ng Pilipinas Shell at Seaoil ang ± 2.80 na dagdag-presyo sa gasolina; ± 2.25 sa diesel at ± 2.40 sa kerosene.
Kaparehong oil price adjustment din ang ipatutupad ng Caltex epektibo alas-12:01 ng hatinggabi ngayon.
Habang alas-4:00 ng hapon magpapatupad ng increase ang Cleanfuel maliban sa kerosene.
Ang panibagong taas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng demand nito sa China kasabay ng muling pagbubukas ng kanilang ekonomiya at ng katatapos lamang na Chinese New Year.