Advertisers
“GUILTY” sa ‘Graft’ ang hatol ng Sandiganbayan sa dating opisyal ng state-owned Philippine Postal Savings Bank, ngayo’y Overseas Filipino Bank, sa pagbigay ng hindi nararapat na preference sa dalawang depositors.
Nitong Biyernes, hinatulan ng Sandiganbayan 2nd Division si Rosemarie Villamora, dating vice president ng PSB, South Luzon area head, at Naga City branch head, ng 6 taon at 1 buwan hanggang 8 taon na pagkabilanggo.
Pinagbabayad din si Villamora ng P39.05 million, katumbas ng “excessive” interest sa depositors na sina Noel Antonio at Daughters of Mary na “unjustly” earned mula 2013 – 2017.
Siya ay pinagbawalan naring magtrabaho sa public office.
Sa isang notarized sworn statement na may petsang October 25, 2017, at pirmado mismo ni Villamora, inamin niyang nag-alok siya sa depositors ng interest rate na 3% kada buwan o 36% per annum kapag nag-invest ang mga ito sa Premium Savings Plan ng bangko. Ang regular interest rate noon ay 0.25% per annum.
Sa kanyang testimonya sa trial, sinabi ni Villamora na siya’y pinilit lamang para pirmahan ang sworn statement.
Pero sinabi ng Sandiganbayan na base sa track rekord ni Villamora, kabilang na ang kanyang “vast experience in banking operations,” hindi pa siya na-pressure “doing something against her will.”
“Considering that the sworn statement is a notarized document, it is presumed valid, regular, and genuine,” sabi ng korte.
Si Associate Justice Arthur Malabaguio ang nagsulat ng ruling, sa tulong nina Associate Justice Oscar Herrera Jr. at Associate Justice Edgardo Caldona.