Advertisers
DINAKIP ang dating vice mayor ng Valenzuela City sa bisa ng ‘bench warrant of arrest’ nang hindi sumipot sa mga pagdinig sa kasong kinakaharap sa korte.
Sa ulat, 10:30 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Warrant Section ng MPD-Station 4 sa loob ng Makati City Hall si Evelyn Miranda Hernandez, 58 anyos, dating vice mayor ng Valenzuela City, businesswoman, at residente ng 1098 Consolacion St., Malinta, Valenzuela City .
Natunton ang akusado sa pamamagitan ng importante.
Nahaharap si Hernandez sa dalawang bilang (2 counts) sa paglabag sa BP22 o ang pag-iisyu ng mga talbog na tseke.
Inisyu ang warrant ni Hon. George Andy B. Pantanosas, acting Presiding Judge, MTCC, Fourth Judicial Region, Branch 1, Antipolo City, Rizal, na may petsang September 6, 2022.
Pinayagan namang magpiyansa si Hernandez ng P13,000.00 bawat bilang para sa kanyang pansamantalang kalaya. (Jocelyn Domenden)