Advertisers

Advertisers

Magnitude 6.4 lindol tumama sa Cotabato

0 258

Advertisers

NIYANIG ng magnitude 6.4 lindol ang Cotabato City, Maguindanao nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 1:08 ng madaling araw nang maitala ang lindol na tectonic ang origin sa layong 13 kilometro silangan ng Cotabato at may lalim na 654 kilometro.
Naitala naman ang intensity 2 sa Alabel at Malungon sa Sarangani.
Naramdaman naman ang intensity I sa Tupi, General Santos City at Koronadal City sa South Cotabato at Kiamba, Sarangani.
Walang iniulat na napinsala subali’t may mga inaasahang aftershock.(PTF team)