Advertisers
Nagpahayag ng pagkadismaya si PRO 6 director PBGEN Randulf Tuaño nang madiskubreng nasa loob ng banyo ng isang gymnasium nag-oopisina ang San Rafael Municipal Police Station sa Iloilo.
Iginiit ni Tuaño na hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita nang bumisita siya sa na-sabing police station.
“Hindi ko matanggap-tanggap ‘yung ganoong uri ng environment ‘yung pinagtatrabahuhan ng ating kapulisan. Literal po sir, nakita ko po doon ‘yung mga shower hose na existing sa dating CR, existing pa rin,” saad ni Tuaño sa media.
Hirit pa niya, “Yung existing na mga sinks noong CR is naroon pa rin.”
Sa mga larawang ibinahagi ng mga awtoridad sa media, makikita ang maliit na espasyo ng loob ng San Rafael MPS at maging ang lababong tinutukoy ni Tuaño ay naroroon parin.
Dagdag pa ni Tuaño, na-kipag-ugnayan na siya sa lokal na pamahalaan upang matugunan ang sitwasyon ng kanilang tropa sa nasabing police station.
Samantala, aminado rin si Tuaño na maaaring sa 2027 pa maisakatuparan ang aniya’y “future plans” para sa San Rafael MPS, na napag-usapan nila ng Iloilo LGU.
Kaugnay nito, kinumpirma niyang ipinag-utos na rin niya sa Regional Logistics and Research and Development Division (RLRDD) at Regional Comptrollership Division (RCD) ng PRO-6 na gumawa na ng matibay na plano para sa magiging permanenteng estasyon ng San Rafael