Advertisers

Advertisers

Dyowa, suspek sa bangkay ng bebot sa loob ng ref.

0 2

Advertisers

Patay na nang matagpuan ang isang 30-anyos na babae sa loob ng refrigerator sa inuupahan nitong apartment sa Barangay San Jose, Rodri-guez, Rizal.
Ayon sa pulisya, tinatayang 25 hanggang 30 taon gulang ang biktima, nasa 5’2” hanggang 5’3” ang taas, maputi ang balat at katamtaman ang pangangatawan.
Sa paunang imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, nadiskubre ang bangkay Setyembre 16 matapos mapansin ng may-ari ng apartment ang masangsang na amoy mula sa unit.
Nadiskubre ang bangkay nang puntahan ng may-ari ang apartment dahil hindi na niya makontak ang umuupa, na paso narin ang kontrata.
Sinabi ng pulisya na may senyales ng pananakal sa leeg ang biktima. Nakakita rin ang mga imbestigador ng lubid na hinihinalang ginamit sa krimen.
Huling nakausap ng landlord ang biktima Setyembre 9 habang kasama nito ang isang lalaking nagpakilalang live-in partner niya. Nakita pa umano ng mga kapitbahay ang babae kinaumagahan ng Setyembre 10 habang tumatanggap ng delivery.
Ayon kay Rodriguez Municipal Police Station Chief, Lt. Col. Arwyn Gaffud, may tinitingnan nang person of interest ang pulisya kaugnay ng pagkamatay ng babae, kabilang ang isang lalaki na sinasabing huling nakasama ng biktima, at patuloy itong pinaghahanap.
Lumabas din sa beripika-syon na peke ang driver’s license na ipinakita ng lalaki sa may-ari ng apartment.
Sinabi ni Col Allen Rae Co, PNP spokesperson, na pera ang posilbeng dahilan nang pagtatalo at pagpatay sa biktima, nguni’t tumanggi magkano nag nasabing halaga.
Isinaad ni Co na mayroon serious illegal detention case ang dalawa.
“Mayroon silang dinetain na tao, hinold nila so cases were filed against them, kaka-bail pa nung babae, ‘yung lalaki may standing WOA hindi pa siya naaresto for that case.”
“Sinakal ang biktima using a rope and then medyo sensitive na pinasok siya doon sa refrigerator. Siguro hiniga ‘yung refrigerator then pinasok siya doon. We do not know the actual reason kung bakit siguro iniisip ng suspek it will prolong ‘yung decomposition nung tao, giving him more time to escape na mapagkalayo,” ani ni CO.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at iba pang detalye sa pagkakakilanlan ng mga sangkot. (Mark Obleada)