Advertisers

Advertisers

Empleyada ng LTO nahuli-cam nagpapa-rebond ng buhok sa opisina

0 282

Advertisers

AGAD sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang isang emplyada nito na nahuli-cam habang nagpapa-rebond ng buhok habang nasa trabaho sa Dipolog District Office.
Sa ulat, sinabi ni LTO Region 9 Director Atty. Aminola Abaton na pinatawan ng limang araw na temporary suspension ang naturang kawani.
Nag-viral ang video ng empleyada sa social media, na nagmistulang parlor ang tanggapan ng LTO-Dipolog District Office dahil sa ginawa niyang pagpapa-rebond.
Malinaw itong paglabag sa Civil Service rules dahil ginawa ng empleyada ang mga personal na bagay habang naka-duty, ayon kay Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada.
Isa rin itong paglabag sa IATF guidelines sa hindi pagsusuot ng empleyada ng face mask.
Umapela si Lizada na gawin ng tama ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.(PTF team)