Advertisers

Advertisers

Kapitan huli sa entrapment sa loob ng barangay hall

0 322

Advertisers

ARESTADO ang isang barangay kapitan sa entrapment operation sa loob mismo ng barangay hall sa Butuan city.
Kinilala ang inaresto na si Rodencio Basubas Jr., kapitan ng Barangay Ampayon, Butuan City.
Ang nasabing operasyon ay may kaugnayan sa pagtanggap umano ng pera ng kapitan na bayad sa lupang pagmamay-ari ng pamilyang Briones.
Ayon kay Basubas, mahigpit niyang pinabubulaanan na mayroon siyang nalabag na batas. Paliwanag niya, lumapit sa barangay ang mag-asawang Briones upang maningil sa bawat anim na buwang bayarin sa lupa na aabot sa mahigit kalahating milyon kungsaan dalawang taon na siyang hindi nababayaran simula noong binili ng barangay ang kaniyang lupain.
Ngunit nilinaw ni Basubas na hindi siya pwedeng magpalabas ng pera na wala sa kanilang budget dahil pinadalo si Briones sa kanilang regular session at napagkasunduan na direktang magbabayad ang mga nakatira sa nasabing lupain kay Briones upang hindi na ito ibenta sa ibang buyer.
Ngunit bago pa umalis sa Butuan City ang may-ari, binigyan nito si Basubas ng authority na tumanggap sa bayad na bibigyan lamang ng acknowledgement receipt na galing sa may-ari at ipapadala ang pera kay Briones.
Nitong Sabado, may nagbayad sa pamamagitan ni Lolong Cane ng halagang P150,000, ngunit nagulat na lamang ang kapitan dahil entrapment operation na pala ito.
Kaagad na pinosasan ang kapitan at inilatag ang pera sa mesa na karamihan peke pala.
Kaugnay nito, malaki ang paniniwala ni Basubas na harassment umano ang ginawa sa kaniya at polika ang motibo.
Kasalukuyang nakakulong ang opisyal sa Ampayon Police Station.(PTF team)