Advertisers

Advertisers

Mag-amang 139 araw naglalakad pauwi tumanggi sa inalok na tulong

0 339

Advertisers

MARAMING netizens ang nagtaka sa pagtanggi ng mag-amang 139 araw nang naglalakad pauwi.
Kinilala ang mag-ama na sina Joni Cortez at anak nitong si Penpen.
Sa ulat, matiyagang naglakad ng 139 araw makauwi lamang sa kanilang tahanan ang mag-ama.
Napag-alaman na nagmula pa ang mag-ama sa Pagudpod, Ilocos Norte at ang kanilang destinasyon ay Las Piñas.
Namataan ng grupo ni TechRam ng Facebook ang mag-amang ito na namamahinga sa gilid na kalsada bandang San Miguel, Bulacan.
Dahil likas na ang pagtulong ng grupo ni Ram sa mga taong nangangailangan, inusisa nila ito. Nalaman nilang nawalan ng tabaho si Joni na isang welder sa Pagudpod kaya nagdesisyon silang umuwi na lamang.
Sa kasamaang palad, inabot sila ng lockdown noong Marso 17 at wala nang masakyan paluwas sa Las Piñas kaya minabuti nilang maglakad.
Nakatanggap naman daw ng huling sahod si Joni sa pinasukang trabaho na siyang pinambili nila ng bisikletang may side car upang maibsan kahit na paano ang hirap ng paglalakad sa kanilang paglalakbay.
Nang malaman ito ni Ram, agad na nag-alok sila ng tulong na maihatid sa pinakamalapit na checkpoint ang mag-ama.
Natuwa ang anak na si Penpen dahil mapapabilis na ang kanilang pag-uwi. Subali’t tila hindi nagustuhan ng ama ang ideyang ito.
Ikinagulat ito ni Ram. Kaya naitanong niya kung bakit tumanggi si Joni gayung mapapadali na ang paglalakbay nilang mag-ama.
Dahil dito, binigyan na lamang ni Ram ng P3,000 ang mag-ama upang may magastos sila sa kanilang malayo-layo pang paglalakbay.(PTF team)