Advertisers

Advertisers

1 kilong shabu nasabat sa Lanao del Norte

0 273

Advertisers

NASABAT ng mga awtoridad ang nasa isang kilong shabu sa buy-bust operation sa Lanao del Norte.
Arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina Jamalodin Musa Odin, at Asna Minalang Odin, kapwa taga-Purok 3, Barangay Calibao.
Sa ulat, nagkasa ng joint operation ang mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10, at mga tauhan ng 5th Mechanized Infantry Battalion, 12:30 ng hapon ng Biyernes sa Barangay Sigayan, Sultan Naga Dimaporo.
Nasamsam sa mga suspek ang isang pakete ng shabu na may bigat na isang kilo na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Kasamang nasamsam ang isang motorsiklo at cellphone.
Ayon ka Police Major Salman Saad, PIO ng Provincial Police Office, matagal na nilang minanmanan ang mga suspek na nasa target list ng PDEA.(PTF team)