Advertisers

Advertisers

NBA: Pelicans sinibak ang head coach Gentry

0 261

Advertisers

SINIBAK ng New Orleans Pelicans ang kanilang head coach Alvin Gentry matapos mabigong makapasok sa 2020 NBA playoffs.
“Alvin Gentry has been relieved of his head coaching duties,” wika ng Pelicans sa kanilang Twitter.
Sinabi ni Gayle Benson, ang Western Conference franchise owner, na kinakaila­ngan ng Pelicans na magpalit para sa fans na nangangailangan ng head coach na kayang dalhin ang team sa championships.
“I want to thank Alvin for his contributions to the Pelicans and the New Orleans community,” Sambit ni Benson.
Pinasalamatn rin nya si Gentry sa pagsisikap at magandang kapalaran sa mga darating na panahon.
Si Gentry ay tinapik na maging head coach ng Pelicans noong 2015.
Sa kanyang limang-season sa Big Easy, hinatid ni Gentry ang Pelicans sa 2018 playoffs, pero nabigong nakapasok sa 2020 playoffs na may 30-42 win-loss record sa regular season.
Samantala, nitong Biyernes ay sinibak rin ng Chicago Bulls ang kanilang head coach Jim Boylen.
Boylen,na Bulls associate head coach noong 2015-16, ay nahirang na head coach noong 2018.