Advertisers
INILABAS na ng Philippine Football League (PFL) ang kanilang iskedyul para sa fourth season na magsisumula sa October 24.
Ang Azkals Development Team, na maglalaro ngayong taon as guest team, ay makakasagupa ang Mendiola alas 4;30 ng hapon.
Sa ibang laban sa 8;30 ng umaga, pre season favorites Stallion Laguna ay makakaharap ang Kaya Iloilo.
Habang ang dalawang clubs ay solong maglalaro sa October 25.
United City,dating kilala na Ceres Negros ay simulan ang kanilang pangarap na four-peat laban sa bagitong Maharlika Manila alas 5 ng hapon.
Lahat ng team ay maglalaro single-round robin regular season, ibig sabihin bawat team ay maglalaro ng limang beses.
Kinumpirma ni commissioner Coco Torre, ang top four teams matapos ang maiksing elimination phase ay uusad sa knockout stages sa kalagitnaan ng November.
Ang semifinals ay gagawin sa November 12 at 13 at ang mananalo ay aabante sa finals sa November 16.
Ang league champion ay may spot sa susunod na AFC Champions League group stages.
Lahat ng laban ay gagawin sa PFFNational Training Center sa Carmona, Cavite.
Lahat ng players at officials ay titira sa Seda Nuvali sa Sta. Rosa City sa oras ng bubble.