Advertisers

Advertisers

Billy umamin, nagplano na umalis ng Pinas kasama ang mag-ina nang magsara ang Dos

0 280

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA guesting ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia sa Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdez  noong Sabado, December 12, sinabi ng una na nagplano sila ng huli na lisanin na ang Pilipinas matapos magsara ang ABS-CBN 2.

Aminado si Billy na labis na kalungkutan ang kanyang naramdaman matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network.



“It was really a dark period for everyone at ABS-CBN. That includes artists, that includes PAs (production assistants), that includes… I mean, each and every personnel at ABS,” sabi ni Billy.

Kaya naman naisipan daw nilang mangibang bansa na lamang dahil sa walang kasiguraduhan ang kanilang career dito sa bansa.



Pinlano raw nilang ibenta ang kanilang bahay at lahat ng kanilang ari-arian upang manirahan sa abroad.

“I’m planning to sell everything and gonna move out of this country. And feels…wala, e, I didn’t have a job. You know what I’m saying? And if I did, it wasn’t really sustainable. I couldn’t sustain my family. It was a lot of depressing moments.”



Hindi rin itinago ni Billy na ilang gabi niyang iniyakan ang kinahantungan ng Kapamilya network. Kabubuo pa lang daw niya ng pamilya tapos mawawalan siya ng trabaho.

“I’m not gonna lie, there are a lot of nights that I cried. There are a lot of nights that I called most of my friends at ABS.”

Nagpapasalamat si Billy na sa pagsasara ng ABS-CBN 2, nagkaroon ng offer sa kanya ang TV5 para mag-host sa  Masked Singer Pilipinas at Lunch Out Loud.

“Pero right now, I’m just really thankful that I have a job. I’m really thankful that I really did what I love to do at my age. I want this to be sustainable for my family.”

***

SARAH JAVIER NAPAPANAHON ANG AWITING PAMASKO

MAY bagong kantang sinulat ang mahusay na singer-actress na si Sarah Javier. Ito ay ang Ihip ng Hangin, na isang inspirational song. Napapanahon ang kanta dahil sa dinaranas natin ngayong may matitinding pagsubok sa bansa, lalo na ang COVID-19 pandemic.

Sa mga nakarinig na ng Ihip ng Hangin, siguradong lahat ay makare-relate gaya namin. In fairness, ang ganda ng lyrics at melody nito.

Sabi ni Sarah tungkol sa kanyang kanta,”Tinakel ko po rito sa ginawa kong kanta ang paghihirap, ang bawat pinagdaanan ng mga tao. Hindi lang ng mga Pilipino kasi all over the world po itong pandemic. ‘Yung iba, nawalan ng trabaho.’Yung iba nawalan ng mahal sa buhay. ‘Yung iba hindi alam kung paanong makapagsisimula kasi ‘yung iba nakapag-adjust at sa mga may kaya, napaghandan.

“So ‘yung mga nakapaghanda, sila ‘yung mga taong tumutulong sa mga nangangailangan at salamat doon sa mga taong ‘yun. At sa mga hindi  nakapaghanda at hanggang ngayon ay nangangapa at laging natatakot, ito po ‘yung kanta ko na ginawa para sa kanila na in-arranged po ng magaling na si Elmer Blancaflor, my musical arranger.

“Kaya po naisulat ko ang kantang ito base sa iba’t ibang kwento ng buhay. Pero siyempre, sa kabila po nito, may Diyos tayong nakaalalay sa atin anuman ang dagok ng buhay.”

Ang Ihip ng Hangin ay available on all digital platforms.