Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PINASALAMATAN ng celebrity couple na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa sa post sa kanilang IG account ang Diyos sa bigay na biyaya na bagong baby na ipinagdadalantao ng aktres.
Four years old na rin ang susundan ng ipinagbubuntis ni Kristine sa ngayon.
Naglulundag pa nga raw ang mag-asawa na preggy again si Kristine at bilang katibayan ay ipinost din ang sonogram na nagpapatunay na buntis si Kristine sa ika-lima nilang anak.
Kahit ang nag-iisang anak na babae nina Oyo at Kristine na si Ondrea ay nag-wish sa isang sulat na maging girl na ang ipinagbubuntis ng ina.
Ganun din naman ang couple na dream din na babae na ang magin baby nila.
May tatlong lalaki at isang babaeng anak na nga sina Oyo at Kristine.
Kaya may upcoming pamangkin na naman si Baby Tali nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.
May kuda at payo naman ang ilang netizens na huwag naman daw masyadong ngaragin ni Oyo si Kristine at baka malosyang ito agad.
Well, well, well…’Yun na!