Advertisers

Advertisers

LOCALIZED LOCKDOWN, PAG DUMAMI ANG ACTIVE COVID-19 CASE – ISKO

0 333

Advertisers

SERYOSONG nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na magpatupad ng mas istriktong localized lockdowns sa lungsod kung patuloy na darami ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa alkalde, sakaling magpatuloy ang nakikita nilang pagtaas ng mga kaso ng sakit ay hindi siya magdadalawang isip na mag-lockdown ng distrito o area upang makontrol ito.

“Kung sakaling magtuloy iyong nakikita natin ngayon, hindi ako mangingime maglockdown in a concerned district or area kasi we continue to do self prevalence or self-surveillance,” sabi Moreno sa isang panayam sa telebisyon.



Sinabi pa ng alkalde, magiging nakakaalarma ang mga kaso ng COVID-19 sa Maynila kung aabot ito sa 1,100 active infections.

Ayon pa dito ay inaasahan na rin naman niya na magkakaroon ng pagbabago sa bilang ng mga kaso ng sakit sa Enero, 2021 dahil na rin sa pagdami ng COVID-19 infections ngayong Disyemnre.



“We are in the middle of December and there is already a growth. We might be expecting different numbers by January,” dagdag pa niya.

Iniulat pa ng alkalde na hanggang nitong Disyembre 15 ay mayroon pang 359 aktibong kaso ng virus sa Maynila, na tinatayang mayroong 2.4 milyong populasyon. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">