Advertisers

Advertisers

Mayor sa drug list ni Duterte patay sa ambush, driver damay

0 494

Advertisers

PATAY ang alkalde at driver nito nang tadtarin ng bala ng baril ang kanilang sasakyan nitong Lunes ng umaga sa Barangay Cabayuran, Libungan, Cotabato.
Kinilala ang mga biktima na sina Mayor Christopher “Amping” Cuan, 46-anyos, alkalde ng Libungan; at kanyang drayber na si Edwin Navarro Ihao alyas “Tawe”, 36.
Sa report, 10:25 ng umaga nang maganap ang pananambang.
Ayon sa ulat, bibisitahin ng dalawa ang isang sabungan na kasalukuyang itinatayo nang tambangan at pagbabarilin ng apat na lalaking sakay ng asul na SUV.
Nabatid na si Cuan ay kasama sa narco-politician list ni Pangulong Rogrigo Duterte.
Bago ito, una nang binaril si Cuan sa harap ng municipal hall noong nakalipas na taon ngunit hindi ito tinamaan.
Inamin mismo ni Mayor Cuan na marami na siyang banta sa buhay pero hindi siya takot dahil wala naman aniya siyang atraso o kaaway.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya