Advertisers

Advertisers

MAYOR BASTE, PINA-SUBPOENA SA CITY HALL DEALS NI VP SARA!

0 4

Advertisers

HUMIHINGI ang House prosecution panel ng mga rekord mula sa Davao City government at nais ding kunin ang testimonya ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay ng mga transaksiyon ng City Hall sa isang kumpanyang may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte, ayon kay trial spokesperson at Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong nitong Huwebes.

Ayon kay Alonto Adiong, nasa kustodiya parin ng city government ang mga dokumento at maaaring suriin ang mga ito kasabay ng mga idineklarang business interests ng bise presidente bilang bahagi ng kaso ng prosecution hinggil sa alegasyong ‘di maipaliwanag na yaman.

“So meron talagang nakikita natin ng direct business interest,” ani Alonto Adiong sa isang press conference ng Kamara.

Nang tanungin kung bakit tinatawag bilang testigo ng prosecution si Baste, itinuro ni Alonto Adiong ang mga business entries na tinalakay sa presentasyon ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Sara Duterte.

“So apparently ang nanalo doon sa mga portions ng mga supplies ay yung isang negosyo na isa sa may-ari ay Vice President Sara Duterte,” diin ni Alonto Adiong.

Gayunman, sinabi niyang dumaan sa bidding ang mga supply contract.

“It went through the regular competitive bidding,” aniya.

Noong Setyembre 16, naglabas ang Senate impeachment court ng subpoena para kay Baste kaugnay ng presentasyon ng prosecution sa Article II.

Sa paliwanag ng prosecution sa kahilingan nito, tinukoy ang Gencorp Industries Inc. bilang kumpanyang nais nitong siyasatin ang mga transaksiyon sa City Hall.

Ang Gencorp ay kabilang sa mga negosyong idineklara mismo ni Duterte sa kanyang SALN.

Saklaw ng subpoena ang mga transaksiyon ng Davao City government sa Gencorp at hinihingi ang city records at kontrata mula 2020 pataas na may kaugnayan sa mga entity na nagmamay-ari o nagpapatakbo ng sangay o establisimyento ng Jollibee.

Una nang itinakda sa Setyembre 23 ang pagharap ni Baste sa impeachment court.

Sinabi ni Senate President at Presiding Officer Francis Escudero na susuriin ng korte ang progreso ng paglilitis sa Setyembre 22 at maaaring bawiin at muling ilabas ang subpoena kung hindi pa matatapos ang testimonya ng mga naunang testigo.

Nang hingan ng update sa mga testigong hinihiling ng prosecution, sinabi ni Alonto Adiong na naihain na ang mga kahilingan para sa mga susunod na testigong ihaharap ng House prosecution panel.

“Basta ang importante po ay na-request na po yung susunod na witnesses na ipapresenta po ng House prosecution panel,” aniya.

Ipinaliwanag ni Alonto Adiong na nais ng prosecution na malaman kung ano ang maaaring maibahagi ni Baste sa impeachment court tungkol sa mga transaksiyon.

Mahalaga, aniya, ang testimonya ng alkalde dahil nasa City Hall ang mga dokumentong nais nilang suriin.

“Kasi these records are still within the City Hall’s records kasi transaction yan, public transaction,” paliwanag ni Alonto Adiong.