Advertisers
PORMAL nang in-adopt ng House Committee on Constitutional Amendments ang Resolution of Both Houses No. 2 sa botong 64 affirmative, 3 negative at 3 abstention.
Layon nito na amyendahan ang restrictive economic provisions ng saligang batas partikular ang sa Articles 12, 14 at 16.
Nagkasundo naman ang komite na i-exclude o hindi na isama sa aamyendahan ang item 3 na mag-aamyenda sa Section 7 Article 12 patungkol sa land ownership ng foreign nationals.
Sabayan na ring inaprubahan ng komite ang Committee Report para sa adoption ng resolusyon.
Una naman nang pinag-ingat ni former Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna ang mga mambabatas sa paggamit ng mga katagang “unless otherwise provided by law” sa planong pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Hindi aniya maaari na magpadalos-dalos at isingit sa kung saan ang ‘unless otherwise provided by law” dahil maaaring mabago ang buong pagpapakahulugan sa saligang batas.
Kailangan aniya tiyakin na ilalagay lamang ang naturang mga kataga sa bahagi na magbibigay flexibility sa restrictive policy at hindi ang protective principle ng konstitusyon tulad ng proteksyon sa teritoryo. (Henry Padilla)