Advertisers

Advertisers

Sen. Go tutol sa pagluwag ng community quarantine

0 211

Advertisers

NANINDIGAN si Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate committee on health na huwag munang luwagan ang community quarantine hanggang hindi nasisimulan ang vaccine rollout.

Sinabi ni Go na delikado pa rin ang panahon lalo na at wala pang bakuna na nakakarating sa bansa.

“Para sa akin, personally, bakuna first. Bakuna first. Vaccine rollout first bago ninyo buksan… Vaccine rollout first bago natin luwagan ang ating ekonomiya,” wika ni Go



Ipinaliwanag ng senador na oras naman na makarating sa bansa ang mga bakuna at masimulan ang inoculation ay maaari nang unti-unting luwagan pa ang ekonomiya ng bansa.

Nangangamba kasi si Go na lalo lang magkakaproblema ang bansa kung luluwagan na ang community quarantine gayung hindi pa nga nagbabakuna ang publiko.

Binigyang-diin ng senador na ang pera ay kikitain basta magsisipag pero ang buhay ay hindi na maibabalik oras na mawala.

“Dahil delikado pa po ang panahon. Importante po ang buhay ng bawat Pilipino. Ulitin ko, ang pera po ay ating kikitain. Pero ‘yung perang kikitain po natin ay hindi po nabibili ang buhay,” diin ni Go.

“Kaya importante sa akin ang kalusugan, buhay ng bawat Pilipino bago natin unti-unting luwagan,” dagdag pa ng senador. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">