MNL48 Third General Election, trending sa Twitter MNL48 PINANGALANAN NA ANG THIRD GENERATION CENTER GIRL

24

ITINANGHAL bilang Third Generation Center Girl ng MNL48 ang 23-anyos na si Abelaine Trinidad sa MNL48 Third General Election na naganap sa “It’s Showtime” noong Sabado (Pebrero 20).

Matapos maging Rank 2 noong First General Election at Rank 3 naman sa Second General Election, nakuha na sa wakas ni Abby ang Center Girl position na magsisilbing Center ng Third Year members ngayong taon.

Ang MNL48 Third General Election ay isang annual event na may kapangyarihan ang fans piliin kung sino sa oshis nila ang karapatdapat mapabilang sa Top 48 alinsunod sa sistema ng MNL48 international sister group na AKB48. Nagsimula ang election noong Marso 2020 at natapos noong Nobyembre 2020.

“Grabe hindi ko ineexpect bilang first generation member na ngayon na naging parte pa rin ng third generation member,” saad ni Abby. “Thank you so much sa binigay niyong opportunity kasi talagang tinulungan niyo ako mag-improve. Kaya po ako nandito dahil sa inyo. Kung wala po kayo wala din po dito. Thank you sa MNLoves, family and friends po. Kaya po ang dahilan kung bakit ako nandito.”

Uuwi namang Rank 2 ang kauna-unahang Center Girl ng MNL48 na si Sheki Arzaga at Rank 3 si Maria Jamie Beatrice Alberto. Kabilang din sa KAMI7 o top 7 sina  MNL48 Ruth (Rank 4,), Ella  (Rank 5) Jan (Rank 6), at si Andi (Rank 7).  Kasali din sa Senbatsu ngayong taon sina  Jem, Yzabel, Gabb, Alice, Princess, Lara, Coleen, Thea, at Tin.

Kasama rin sa official members ang bagong miyembro na sina MNL48 Kath (Rank 26), Klaryle (Rank 28), Jana (Rank 29), Rianna (Rank 33) and Lyza (Rank 35)

Sa pangunguna ni Abby kasama ang bagong Senbatsu at Undergirls, magsisimula na ang MNL48 ng preparasyon para sa kanilang ika-pitong single.

Samantala, apat naman sa hastags ng Third General Election ang nagtrending sa Twitter noong Sabado. Sa ngayon, umabot ang tweets ng mahigit 600,000.

I-follow ang MNL48 sa kanilang official social media account sa Facebook (fb.com/mnl48official), Twitter, at Instagram (@mnl48official), at mag-subscribe sa official YouTube channel ng grupo. (BKC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.